Tuesday, September 8, 2009

Ang aking bahagi sa Libing ng Ka. Erdie



Lunes, September 7,2009 itinakda ang araw ng libing ng Ka. Erdie. Isang araw na hindi maaring palampasin ng bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo, ang personal na masaksihan at maging bahagi ng makasaysayang araw na ito. Tulad ng inaasahan dagsa ang mga kapatid mula sa ibat ibang lugar sa loob at labas ng bansa. Lalo na't idiniklara ni Pres. Gloria Arroyo na Nat'l mourning day ito para sa yumaon at mahal nating si Ka. Erdie. Linggo ng gabi 9:00 ng umalis kmi sa aming lokal kasama ang dalwa kong pamangkin, ang kuya ko, ate ko at ilang kamaganak para pmunta sa templo central. Mabilis ang naging byahe at makalipas ang isat kalahating oras ay nakarating kami. Maulan ang gabing iyon,sobrang dami ng sasakyan at halos hindi na mkalakad patungong central sa dami ng mga kapatid. Sa aming grupo ay kaming dalawa lng ng kuya ko ang nabigyan ng pagkakataong makapasok sa loob ng templo. Tiniis namin ang ginaw, ang gutom at antok para sa pagasang muling msulyapan sa ikalawang pgkakataon ang labi ng Ka. Erdy. Halos inumaga na kami sa harapan ng gate 1,siksikan tulakan dahil nrin sa halo halong emosyon at nararamdaman ng mga kasama naming kapatid na matiyagang naghintay doon. Bandang alas singko ng umaga ng magsimulang buksan ang gate at hindi ko na maalala kung anong oras at ilang oras bago kmi nakapsok sa loob ng templo. Ang anunsyo ay may tanging pagtitipon daw kya nanatili kami sa loob ng templo. Dahil sa sobrang antok hndi na namin napigilan ang paminsan minsan ay maidlip habang naghihintay. Alas onse eksaktong ng magpalabas sa wide screen kung saan ipinakita ang loob ng sanctuario kung saan pansamantalang namalagi ang labi ng Ka. Erdy at ang pgpapatuloy ng public viewing. Pagkatapos ng huling pagdalaw ni Pres. Gloria ay nagsimula na ang seremonya ng libing. Sa isip ko,marahil ay doon nlang ang bahagi ko sa araw na iyon,ang akala koy pagkatapos ng tanging pagtitipon ay mkkalapit manlang ako khit sa sasakyan na paglalagakan kay Ka. Erdy. Pero walang tanging pgtitipon dahil inilabas na ang Ka. Erdy at inilipat na ng sasakyan. Nakakakilabot ang ugong ng iyak, matinding emosyon ang bumalot sa loob ng templo. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong hbang inililibing ang Ka. Erdy ay isa ako sa libo libong kapatid na naroon sa lugar na iyon, sa templo pa para makibahagi. Alas dose ng tanghali inilibing ang Ka. Erdy dahil binigyan siya ng 21 gun salute. Malungkot ang buong Iglesia ng araw na iyon pero umapaw ang paghanga at pakikiramay mula sa labas ng Iglesi at mga hindi ntin kapananampalataya. Nakiramay ang mga nasa pinakamatataas na posisyon sa bansa. Maraming Salamat Ka. Erdy sa pagtupad ng iyong misyon!! Ginugol mo ang iyong buhay sa pangangalaga ng Iglesia. Malungkot man ang Iglesia sa iyong paglisan ay nagagalak ang bawat isa na kamiy Iglesia Ni Cristo..